OVP, nakiisa sa selebrasyon ng Bonifacio Day

Nakiisa si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa selebrasyon ng ika-159 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Sa kaniyang mensahe, hinikayat ni Duterte ang sambayanang Pilipino na alalahanin si Bonifacio sa pamamagitan ng patuloy na pagmamahal sa Pilipinas.

Dapat aniyang ipagpatuloy ang diwa ng patriyotismo upang tahakin ang isang mapanghamong bukas.


Hinimok ng bise presidente ang mga Pilipino na taglayin ang labis na pagmamahal sa bayan ni Bonifacio.

Magsilbi aniya itong inspirasyon sa bawat Pilipino na magkaisa at sama-samang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na kinakaharap ng bansa.

Facebook Comments