MARCH OF HEROES 2026, NILAHUKAN NG KABATAANG DAGUPEÑO KASABAY NG ANIBERSARYO NG EDSA REVOLUTION

Isinagawa ng Youth Ministry ng Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist ang March of Heroes 2026, kahapon, February 25, 2026 bilang isang makabuluhang pagtitipon para sa kabataan at buong komunidad ng parokya.

Layon ng nasabing aktibidad na bigyang pagkakataon ang mga kabataan na pangatawanan ang kanilang piniling bayani na sumasalamin sa tapang, sakripisyo, pamumuno, at pagmamahal sa pananampalataya at bayan.

Kabilang sa mga bayaning ginampanan ng mga kalahok ay sina Jose Rizal, Gabriela Silang, maging si Cardinal Jaime Sin at Dating Pangulong Corazon Aquino.

Ang nasabing programa ay nagsilbing pagkakataon sa bawat kalahok na pagnilayan ang mga naging kontribusyon ng mga bayani at ang epekto nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng March of Heroes 2026, layon ding pagtibayin ang diwa ng paglilingkod, pagkakaisa, at pananampalataya ng komunidad, habang sama-samang naglalakbay sa pamamagitan ng liwanag ni Kristo na itinuturing na pinakadakilang bayani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments