Marco Gumabao, natuwa sa mga positive response sa kanyang LGBT ads

Nag-viral ang isang komersyal ni Marco Gumabao na naging dahilan ng kanyang labis na pagkatuwa.
“Someone is bound to smell it” ang naging pamagat ng Bencg commercial na tungkol sa isang closeted gay na may crush kay Marco ngunit hindi inaakala ng kaniyang ama na alam nito ang kaniyang tunay na pagkatao.
Ayon kay Marco, masaya siya dahil marami ang natuwa at nagustuhan ang bagong ads ng Bench.
Layunin ng ads na ito na mahikayat ang mga tao na maging confident sa sarili bilang pagpapakilala kung sino ka talaga.
Si Chris Martinez ang direktor at si Denise Oyog naman ang sumulat ng kwento.

Facebook Comments