
Humiling sa Sandiganbayan 3rd Division sina Senator Rodante Marcoleta, dating Congressman Mike Defensor at dalawa pang kapwa akusado na ibasura ang kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y hindi idineklarang ₱75 milyong campaign donation noong 2025.
Naghain ang apat ng motion for leave to file a demurrer to evidence dahil sa paniniwalang hindi sapat ang mga ebidensyang iniharap ng prosekusyon upang patunayang nagkasala sila.
Kabilang sa dalawa pang akusado ang mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Inatasan naman ng Sandiganbayan ang prosekusyon na magsumite ng komento sa mosyon sa loob ng limang araw.
Sakaling pahintulutan ang paghahain ng demurrer to evidence at kalauna’y pagbigyan ito ng korte, maaaring maibasura ang kaso nang hindi na kinakailangang magharap ng sariling ebidensya ang depensa.










