Wednesday, November 11, 2026

DOST AT DMMMSU, NAGSAGAWA NG DISASTER FOOD PRODUCTION SA DAGUPAN CITY

Nagsagawa ang Department of Science and Technology (DOST) at Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) ng produksyon at pamamahagi ng disaster foods sa Barangay Pugaro, Dagupan City noong Nobyembre 11, 2026.

Alinsunod ang proyektong Production and Distribution of S&T-Based Disaster Foods as Quick Response to Address Oil Crisis and Other Calamities in Regions I and CAR sa Galing PCAARRD Kontra Krisis Project.

Ayon sa ulat, target nitong gamitin ang agham at teknolohiya sa paggawa ng mga pagkaing maaaring maipamahagi agad sa mga komunidad bilang tugon sa kakulangan ng suplay ng pagkain dulot ng oil crisis at iba pang kalamidad.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng DMMMSU-South La Union Campus, Ulopay Sumisigay ed Pugaro, DOST Pangasinan I, City Agriculture Office at mga opisyal ng barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments