Marcos 100th Birthday – Special Non-Working Day sa Ilocos Norte

Idineklarang special non-working day sa buong Ilocos Norte sa darating na araw ng Lunes, September 11, 2017 bilang paggunita sa isang daang taong kaarawan o sentenaryo ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation No. 310 sa autorisado ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdeklara ang araw ng September 11, 2017 bilang special day sa probinsiya.

Ginugunita ng mga ilocano taon-taon ang kaarawan ng dating Pangulong Marcos bilang pag alala ng kanyang buhay at kontribusyon sa national development bilang World War 2 veteran, kilalang mambabatas at dating pangulo ng Bansa.


Matatandaang naging kontrobersyal at nagulat ang buong sambayanan ang biglaang paglibing ng dating pangulo sa libingan ng mga bayani noong November 18, 2016, sampung araw matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga petisyon ng mga kumokontra rito.

Si dating Ferdinand Edralin Marcos ay ipinanganak noong September 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte sa mga magulang na sina Mariano Marcos at Josefa Edralin.

Facebook Comments