Mahigit sa P138 bilyon ang inilaang pondo ng Marcos administration sa higher education para ngayong taong 2023.
Ayon sa Department of Budget and Management o DBM, P107.04-B nito ay ilalaan para sa State Universities and Colleges o SUCs.
Habang P31.73-B naman ang budget allotment sa Commission on Higher Education o CHED.
Sinabi naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na bahagi nang higit 138 bilyong pisong pondo ay gagamitin din para pondohan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Program na aabot sa P45.80 billion.
Maliban dito ay pinondohan din ang Student Financial Assistance Programs na nasa P1.52-B na gagamitin sa scholarship at grant-in-aid programs sa 21,053 na mga estudyante.
Mayroon ding inilaang P500 million para sa Medical Scholarship and Return Service Program habang mayroon ding P167 million para sa subsidiya ng tuition fees ng medical students sa State Universities and Colleges.