Naniniwala si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na malaking kaginhawaan sa mga motoristang dumadaan sa Marcos bridge matapos na pormal ng buksan kahapon sa mga motorista makalipas ang limang buwang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Mayor Teodoro wala ng pangamba ang mga motorista at commuters na dumadaan sa Eastbound at Westbound ng Eastern Metropolitan areas dahil sa matitibay na ang mga pondasyong ng tulay na inilagay ng DPWH.
Paliwanag ng alkalde mahigit na 40 taong hindi nakukumpuni ang Marcos bridge pero makatitiyak naman ang mga motoristang dumaan mula sa Quezon City at Antipolo na ligtas silang makabibiyahe sa naturang tulay dahil pinatitibay na ng husto ang naturang pondasyon ng Marcos bridge na nagkakahalaga ng P 213.46 million ang naturang proyekto.
Ikinatuwa naman ni Mayor Teodoro at nagpapasalamat kay Secretary Mark Villar dahil sa halip na sa April 2020 pa matatapos ang naturang tulay ay minamadali at 24/7 nagtatrabaho ang mga tauhan ng DPWH upang malulunasan ang tumitinding daloy ng trapiko sa naturang lugar.