Marcus Smart, hindi maglalaro sa unang round ng NBA Playoffs; Nat’l Marathon champion Rafael Poliquit Jr., pumanaw na

32

Hindi na makakasabak sa first round ng NBA Playoffs si Boston Celtics guard Marcus Smart matapos magtamo ng injury.

Posible kasing abutin ng mahigit isang buwan bago gumaling ang kanyang injury sa kanang oblique abdominal muscle.


Nakuha niya ang injury sa kasagsagan ng laban ng Celtics at Orlando Magic nitong Lunes.

Samantala, pumanaw na ang three-time marathon men’s champion na si Rafael Poliquit Jr., dahil sa sakit na “subdural empyema” – isang uri ng sakit sa utak.

Bandang alas-2:21 ng hapon kahapon nang pumataw ang marathoner sa edad na 30, sa V. Luna Medical Center sa Quezon City.

Pambato sana ng Pilipinas si Poliquit sa nalalapit na 2019 Southeast Asia (SEA) Games na gaganapin sa Clark, Pampanga.

Facebook Comments

From Advertisers