Maja Salvador, napili bilang dance ambassador ng NCCA

Napili ang dance princess na si Maja Salvador ng bilang “dance ambassador” ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

Kasabay nito, nagpasalamat ang aktres sa pamunuan ng NCCA dahil sa pagtitiwala sa kanya.

Say ni Maja, grateful siya lalo na at kahanay na niya ngayon ang iba pang NCCA ambassador tulad nila Piolo Pascual at Boy Abunda.


Pangako ng aktres – gagawin niya ang lahat para mas mapaunlad ang sining at kultura  ng bansa.

Bumuhos naman ang pagbati at suporta ng mga netizens kay Maja.

Facebook Comments