Showbiz – Nakiusap ang aktres at beauty queen na si Maria Isabel Lopez na bigyan siya ng ‘senior citizen discount’ sa ipapataw na parusa sa kaniya sa pagdaan sa ASEAN lane sa EDSA kahit ipinagbabawal.
Ayon kay Lopez, handa siyang harapin ang anumang kaparusahan sa kaniya ng land transportation office.
Umaasa din siya na hindi na pagalitan ang mga tauhan ng MMDA na pinahintulutan siyang pumasok sa ASEAN lane.
Maglalabas ng desisyon ang lto kung may multa, sususpendihin o kakanselahin ang lisensiya ni Lopez sa loob ng limang araw.
Samantala, kumpirmado nang uupo bilang judge ng 2017 Miss Universe si Pia Wurtzbach na gaganapin sa November 26 sa Las Vegas (Novemebr 27 sa Piilpinas).
Pambato ng bansa ngayong taon si Rachel Peters kung saan bukod kay Pia, balik sa pagiging host ang kontrobersyal na si Steve Harvey.
Pero bago ang Miss Universe, suportahan muna daw ng mga pinoy si Laura Lehmann na sasabak sa Miss World sa darating na November 18 sa China.