Laglag na sa 2017 US Open ang dating world’s number 1 tennis player ng women’s division na si Maria Sharapova.
Naputol ang winning streak ng Russian tennis superstar makaraang siyang taulin ng 16th seeded na si Anastasija Sevastova ng Latvia sa score na 5-7, 6-4 at 6-2 sa 4th round.
Ito ang unang torneyong nilahukan ng 5-time grandslam champion na si Sharapova matapos ang mahigit isang taong break dahil sa doping scandal.
Sunod namang makakasagupa ni Sevastova sa quarter finals si Sloane Stephens ng Estados Unidos.
Facebook Comments