Maymay Entrata – hindi rin nakaligtas sa mga bashers

Showbiz – Kahit bago pa lang sa mundo ng showbiz, sanay na raw si Maymay Entrata sa mga negatibong komento ng mga tao tungkol sa kanya.

Matapos kasing tanghaling lucky winner ng PBB season 7, sunod-sunod na projects na ang dumating sa Maymay.

Kabilang na nga rito ang pagkakaroon ng self-titled album, pagiging bahagi ng primetime series at may pelikula pa katambal si Edward Barber.


Taas-kilay naman daw ang mga bashers ni Maymay pero kibit-balikat lang daw ang aktres.

Say ni Maymay, walang ibang pwedeng humusga sa kanya kundi si Lord lang kaya wala dedma na lang daw ang mga bashers.

Facebook Comments