Marian consecration ng Pilipinas, muling isasagawa ng Simbahang Katolika sa Independence Day

Muling itatalaga ng Simbahang Katolika dito sa Pilipinas ang bansa sa pag-aalaga ng Birheng Maria.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), pangungunahan ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang National Consecration na gaganapin sa Hunyo 12 kasabay ng Independence Day at pista ng Immaculate Heart of Mary.

Bahagi rin ito ng desisyon ng CBCP na i-consecrate sa Ina ng Panginoong Hesus ang bansa lalo na ngayong nagdiriwang pa rin tayo ng 500 Years of Christianity.


Samantala, matatandaang itinalaga rin ng Simbahang Katolika kay San Jose na asawa ni Maria ang Pilipinas nitong Mayo 1 kasabay ng kapistahan ni St. Joseph the Worker at pagdiriwang ng Labor Day.

Facebook Comments