MARIAN PILGRIMAGE CIRCUIT, INILUNSAD SA ILOCOS REGION

Inilunsad ng Department of Tourism Region 1 ang Marian Pilgrimage Circuit sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa bayan ng Manaoag.
Bahagi ito ng programa ng kagawaran na Religious Tourism. Dito ay mayroong pitong simbahan sa probinsya ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte pwedeng madalaw sa pamamagitan ng tour package ng mga travel and tour agencies.
Bukod sa The Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag ay kabilang din sa Marian Pilgrimage Circuit ng DOT Region 1 ang Mary Help of Christians Theology Seminary {San Fabian, Pangasinan); Shrine of Our Lady of Charity (Agoo, La Union); Shrine of Our Lady of Namacpacan (Luna, La Union); Shrine of Nuestra Señora Virgen del Mar Cautiva (Santo Tomas, La Union); Shrine of Nuestra Señora de Caridad (Bantay, Ilocos Sur) at Shrine of La Virgen Milagrosa de Badoc (Badoc, Ilocos Norte).

Layon nito na maipakilala pa sa mga turista hindi lamang ang mga magagandang tanawin sa ating bansa kundi ang mayaman na pananampalataya ng mga Pilipino.
Kasabay na rin ito ay upang tulungan ang mga negosyong naapektuhan ng pandemya. |ifmnews
Facebook Comments