KARAPATANG PANTAO NG LGBTQI+ COMMUNITY SA LALAWIGAN NGPANGASINAN, PINAGTITIBAY PA

Pinagtitibay pa ang karapatang pantao ng LGBTQI+ Community sa naganap na pagpupulong kasama ang U.S. Special Envoy to Advance the Human Rights of LGBTQI+ Persons at ng tanggapan ng District IV sa lalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Cong. De Venecia.
Tinalakay ang usaping Sexual Orientation, Gender Identity or Expression, or Sex Characteristics (SOGIESC) Bill na inihain na rin ni Congressman De Venecia sa kamara noon, maging sa kasalukuyan.
Inalam din sa pagpupulong ang mga maaaring proyekto at programang makatutulong sa pagsusulong ng kapakanang pantao at pagkakapantay pantay ng LGBTQI+ Persons.

Suportado naman ito ng tanggapan ng District II para sa kapakanan ng nasabing komunidad, hindi lamang sa lalawigan ng Pangasinan, pati na rin sa buong bansa katuwang ang U.S. Special Envoy. |ifmnews
Facebook Comments