Marian Rivera at Dingdong Dantes – wala pang balak na sundan ang kanilang panganay

Manila, Philippines – Wala pa daw balak sundan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang panganay na si Baby Zia.

Say ng kapusa primetime queen kahit daw gustuhin nila na magkaroon ng isa pang baby.Hindi pa daw ito ang tamang panahon para sundan ang kanilang anak.

Ayon kay Marian magtatrabaho muna siya dahil halos dalawang taon siyang nagpahinga.


Bukod sa kailangan niyang magtrabaho na kabilang ang isang soap opera, ipinabatid ni Marian na kailangan din niyang bigyan ng space ang sarili.

Tiyak aniyang mamimiss niya si Baby Zia dahil magdamagan ang taping sa soap subalit kampante naman siya dahil si Dingdong ang magbabantay sa kanilang unica hija kapag nasa trabaho siya.
Photo from: niceprintphoto

 

Facebook Comments