Mexican Boxer Oscar Dela Hoya – nanawagan na huwag tangkilikin anglaban nina Mayweather at McGregor

Manila, Philippines – Umapela si dating Mexican Boxer Oscar De La Hoya sa mga boxing fans na huwag tangkilikin ang labanang Floyd Mayweather Jr. at Conor McGregor.

Sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Golden Boy na sisira laman ng dalawa ang pangalan ng boxing.

Nakasaad pa dito na isang kalokohan ang agarang pagsabak sa boxing ni UFC Star McGregor na makakalaban niya ay ang US undefeated boxing champion.


Inihalimbawa pa nito na kung ang laban nga ni Mayweather kay Filipino Boxing Champion Manny Pacquiao ay umabot pa ng pitong taon bago matuloy ang laban.

DZXL558

Facebook Comments