Maricar Reyes, hindi na itutuloy ang pagdodoktor

Manila, Philippines – Inanunsiyo ng aktres na si Maricar Reyes na hindi na niya ipagpapatuloy pa ang kanyang karera bilang doktor.

Ayon kay Maricar, mas pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang ang kanyang pagiging aktres dahil doon siya masaya.

Nagtapos ang aktres sa University of Sto. Tomas sa kursong medisina kung saan nakapasa siya sa Medical Licensure Exam noong 2008.


Iginiit ni Maricar na kung ipinagpatuloy pa niya ang pagiging doktor ay hindi niya makikilala ang mister na si Richard Poon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments