Maricel Soriano, bibida sa bagong seryeng “The General’s Daughter”

Magbabalik showbiz na ang beteranang aktres na si Maricel Soriano sa upcoming series na “The General’s Daughter,” kung saan makakasama niya sina Angel Locsin at Ryza Cenon.

Sa isang presscon noong April 23 para sa kanyang upcoming movie na My 2 Mommies, ipinahayag ng aktres na excited na raw siya sa kaniyang pagbabalik telebisyon, ngunit hindi pa niya maikwento ang detalye ng nasabing serye.

Ito ang unang pagkakataon ng Diamond Star na bumalik sa primetime matapos ang kanyang huling serye noong 2014. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang pelikula at sisimulan na rin ang The General’s Daughter.


Ipinahayag din niya sa nasabing presscon ang kagustuhang makatrabaho si Angel pati na ang iba pang mga aktres tulad nina Jodi Sta. Maria at Liza Soberano.

Facebook Comments