UST, wagi sa game 1 ng UAAP women’s volleyball finals; Warriors abante na sa finals ng NBA Western Conference

Wagi ang UST Golden Tigresses sa game 1 ng UAAP Women’s volleyball finals kontra Ateneo lady eagles.

 

Pinangunahan ni MVP Cherry Rondina ang panalo ng UST matapos makagawa ng 23 points at tapusin ang laban sa loob ng tatlong set — 25-17, 25-16, 25-20.

 

Isang panalo na lang ang kailangan ng golden tigresses para tuluyan nilang masungkit ang kampeonato.


 

Samantala sa NBA, tinapos na ng Golden State Warriors ang ambisyon ng Houston Rockets na makapasok sa Western Conference finals.

 

Sa iskor na 104-99, wagi ang Warriors sa game 6 ng kanilang serye kahit hindi nakalaro ang star player nilang si Kevin Durant.

 

Dahil sa panalo, naiposte ng Warriors ang 4-2 lead sa serye nila ng Rockets para tuluyang umabanse sa finals ng Western Conference.

Facebook Comments