Sa unang pagkakataon ay sumagot na si Mariel Padilla sa usap-usapang litrato ng kanyang asawang si Robin Padilla na may kalong na babaeng fan ng aktor.
Lunes nag-upload ng litrato si Mariel kung saan nakikitang hawak ng asawa niya ang hair blower.
Sa caption, inilarawan ni Mariel kung gaano ka-‘sweet’ sa kanya si Robin–binaggit nito ang mga ginagawang pag-aalaga ng asawa.
Sa comment section, isang netizen ang nagtanong ng: “What happened to the photo with the girls on his lap? Okey lang ba sa iyo?”
Sumagot si Mariel at sinabing, “Ang babaw nun. Our marriage is so much stronger than that.”
Sa dulo ng caption ay binati ni Mariel si Robin para sa “hard work” nang mga nakaraang buwan at sinabi niyang proud siya rito.
Facebook Comments