VIRAL: Video ni Buboy, ang “Pinoy Hachiko” o loyal dog

676
Screenshot from Facebook video/ Mark Christian Arceo

Viral ngayon sa social media ang video ng asong si Buboy na naghihintay sa tapat ng faculty kung saan madalas lumabas ang kaniyang amo na pumanaw nitong Mayo 18.

Kuha ni Mark Christian Arceo, na may caption na: “A dog is the only thing on earth that loves you more than he loves himself.” ― Josh Billings


Ang hirap makita na hinihintay ang amo niya (Mr. Carmelito Marcelo) na lumabas ng Faculty, pero hindi nya alam na wala na amo niya.”

Sinabi rin ni Arceo na alaga ng buong eskwelahan ang asong si Buboy at patuloy na binibigyan ng makakain.

Agad na naki-simpatya ang mga tao at sinabing para itong sa pelikula na Hachi: A Dog’s Tale (2009), kung saan naghihintay ang asong si Hachi sa kaniyang amo na Parker na namatay sa cardiac crisis.

Ang video kung nagaantay si Buboy ay mayroong 11,000 likes, 1,900 comments at 5,800 shares.

Sa isa pang post ni Arceo, ibinahagi niya rin ang mga larawan ni Marcelo kasama ang asong si Buboy at maging sa burol nito ay nag-aantay pa rin ito.




Facebook Comments