Marijuana Christmas gifts, nasabat sa airport

116

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa Tennessee, US matapos mahulihan ng marijuana na ikinubli bilang mga Christmas gift.


Nakuha kay Somphone Temmeraj, 57, ang nasa 38 kilo ng iligal na droga sa Nashville International Airport noong Lunes, ayon sa ulat ng WTVC.

Nahalata ng pulisya at ng K-9 ang malakas na amoy ng marijuana na nagmumula sa tatlong bag na nakitang dinampot ni Temmeraj.

Pumayag naman ang lalaki na inspeksyonin ang bag na puno ng aakalaing mga ibinalot na regalo, ngunit naglalaman pala ng kontrabando.

Dinala sa kulungan pero nakalaya rin sa piyansa noong Martes si Temmeraj na lumipad sa Nashville mula sa Seattle.

Facebook Comments