Marijuana na Nagkakahalaga ng 4 Milyon, Nasabat

379

Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit 4 milyon ang halaga ng sako-sakong pinatuyong dahon ng marijuana na nasabat ng mga awtoridad sa dalawang binata Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

 

 

 

Kinilala ang mga suspek na sina Rich Vandamme Armoreda, 25-anyos at Martin Serrano, 22-anyos na kapwa naninirahan sa magkahiwalay na barangay sa Caloocan City, Metro Manila.

 

 

Ayon sa imbestigasyon ng PDEA Region 2, naghinala ang mga pulis matapos mamataan ang isang pribadong sasakyan na nakaparada sa isang gilid sakay ang mga suspek.

 

Nakumpiska sa mga ito ang tumitimbang sa 36 kilo ng marijuana na nakalagay sa apat sako na nakabalot sa isang plastic.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases ang mga suspek.

 

 

Facebook Comments