Umaabot sa mahigit dalawang milyong pisong halaga ng marijuana ang nasira ng mga otoridad matapos sunugin ang natuklasang Marijuana Plantation sa bayan ng San Gabriel lalawigan ng La Union.
Ang nasabing Marijuana Plantation ay natagpuan sa Sitio Nakawa Barangay Lon-oy sa nasabing bayan.
Umaabot sa 2,400 square meters ang kabuuang lawak ng nasabing taniman ng Marijuana na nahati sa apat na site.
Umaabot sa 10,500 seedlings at 8,500 na Marijuana Plants ang pinagpuputol at sinunog ng mga otoridad sa lugar kung saan ay nasa 2.1 milyong pesos ang halaga nito.
Pinaghahanap pa ang isang lalaki na sinasabing maintainer ng nasabing Marijuana Plants at nahaharap na ito sa kaukulang kaso. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments