Ikinadismaya ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang naging tugon ng Department of Health (DOH) na tanggihan silang mabigyan ng accreditation hinggil sa pag-ooperate ng sariling laboratory facility upang tulungan ang mga residente na malaman kung positibo sa nakamamatay na COVID-19.
Ayon kay Mayor Teodoro, malaki aniya nag maitutulong ng naturang pasilidad dahil hindi lamang ang mga residente ng Marikina ang mabibiyayaan maging ang mga karatig lalawigan ng Rizal at iba pang kalapit na lungsod ay makikinabang sa naturang laboratory facility.
Paliwanag ng alcalde,a handa siya isailalim sa pangangasiwa ng management ng DOH ang naturang pasilidad bastat bigyan lamang ng accreditation sila upang makapag-operate na at agad matukoy kung sinu-sino ang mayroong sintomas na COVID-19.
Matatandaan na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang molecular test kits na gagamitin upang masuri ang mga pinaghihinalaang mayroong sintomas na COVID-19.
Nakipagpulong na rin si Teodoro sa mga opisyal ng DOH pero masusi pa umanong susuriin ng kagawaran kung papasa sa kanilang standard ang naturang laboratory facility.