Ibinida ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang cold chain management vaccine room na pag-iimbakan ng mga bakuna laban sa COVID-19 sakaling dumating na sa ating bansa.
Ayon kay Mayor Teodoro, ang mga container na mga malalaki ay paglalagyan ng mga bakuna laban sa COVID-19 pagdating sa bansa kung saan umano kahit na mawalan pa ng kuryente ay pwede tumagal ng ilang araw.
Paliwanag ng alkalde, mape-preserba pa rin ang mga bakuna kahit halimbawa ay hindi inaasahan na mawalan ng kuryente ang lungsod o magkaroon ng brownout ay tumatagal ng mga ilang araw at hindi masisira ang bakuna.
Dagdag pa ni Mayor Teodoro, handang-handa na ang Marikina Local Government Unit (LGU) sakaling dumating ang bakuna laban sa COVID-19, katunayan aniya ay sumulat na sila o nagpadala na sila ng letter of intent para bumili ng bakuna na aprubado naman ng Food and Drug Administration (FDA) upang matiyak na ligtas ang publiko na babakunahan.