Toni Gonzaga, bibida sa Pinoy adaptation ng South Korean hit drama na “My Sassy Girl”

35

Kasunod ng selebrasyon ng kanyang 37th birthday kahapon, January 20, 2021, at 20th year sa showbiz industry, masayang ibinalita ng TV host/actress na si Toni Gonzaga na pagbibidahan niya ang Pinoy adaptation ng South Korean hit drama na “My Sassy Girl”.

Kasabay nito, ipinost ng film production outfit na TinCan Films ang ilang pictures ng eksena ni Toni sa nasabing 2001 classic romcom K-Drama.


Kabilang dito ang hindi makakalimutang eksena sa train station kung saan iniligtas ng bidang lalaki ang bidang babae sa paparating na tren.

Sa ngayon ay hindi pa ina-a-announce kung sino ang makakatambal sa pelikula ni Toni at kung kailan ito ipapalabas.

Ang TinCan Films ay under sa film company na pagma-may-ari ng asawa ni Toni na si Direk Paul Soriano.

Facebook Comments