Marikina City Government, hinihintay na lamang ang resulta ng FDA sa sinuring test kits

Nakipagpulong ngayon si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) matapos na hindi aprubahan ng DOH ang Marikina molecular testing laboratory na binili ng Marikina City Government sa UP.

Ayon kay Mayor Teodoro inaantay nalamang nila ang resulta ng Food and Drug Administration (FDA) kung aprubado ba at maaaring gamitin ang naturang testing kits para masuri ang mga meron sintomas na COVID-19.

Matatandaan na bumili ng 3,000, Molecular Testing Kits ang Marikina City Government sa UP upang gamitin sa mga taong pinaghihinalaang mayroong sintomas ng COVID-19.


Paliwanag ng alkalde inaantay nalamang nila ang resulta ng pagsusuri ng FDA kung maaring magamit ang naturang testing kits sa mga mayroong sintomas na COVID-19.

Facebook Comments