Marikina City Government, muling magpapa-accredit sa DOH sa kanilang testing facility gamit ang ibang COVID-19 testing kit

Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina City na muli silang magpapa-accredit sa kanilang itinayong testing laboratory gamit ang ibang testing kits para sa coronavirus.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, nakahanda na sila na muling magsagawa ng proficiency test para makakuha na sila ng certification mula sa Department of Health o DOH, upang magamit na yung matagal ng nakatenga na Molecular Diagnostic Center ng lungsod.

Aniya, gagamit na sila ng Sansure test kits, isang imported product na FDA aprroved bilang rekomendasyon ng RITM.


Unang ginamit ng Marikina ang locally develop na COVID-19 test kit na GenAmplify mula sa UP-Nantional Institute of Health.

Matantandaan, sinabi ng Department of Health na ang “Preficiency Test” ay stage four para sa stage five sa laboratory accreditation bilang COVID-19 testing facility.

Kaya naman ayon sa alkalde, mag-reretake sila nito upang magamit na ang kanilang tinayong testing facility sa lungsod.

Sa ngayon, ang Marikina City ay meron ng 103 COVID-19 confirmed cases, kung saan 18 dito ay nasawi at 18 naman ang mga gumaling na.

Meron din 20 na bilang ang suspected cases at 1 naman ang bilang ng probable case.

Facebook Comments