Marikina City Government, nagsagawa ng surveillance testing laban sa COVID-19

Naniniwala si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na malaki ang maitutulong ang pagsasagawa nila ng surveillance testing laban sa COVID-19 upang malaman kung alin sa mga komunidad ang tinatamaan ng virus sa naturang lungsod.

Ayon kay Teodoro, ginagawa nila ang surveillance testing depende umano sa contact tracing kung saang lugar ang maraming kaso ng COVID-19.

Paliwanag pa ng alkalde, ang mga komunidad ang nagsasagawa ng monitoring sa mga kaso ng COVID-19 at ang mga barangay at neighborhood associations ang siyang nagsasagawa ng pag-uulat o reporting na makatutulong na pangyayari at madedetermina ang mga maraming tinatamaan ng naturang sakit.


Dagdag pa ni Teodoro na ang positivity rate ng Marikina City ay mababa kumpara sa ibang lungsod sa Metro Manila kung saan ang positivity rate ng ibang lungsod ay 33% o 45% habang sa kanilang lungsod ay nananatiling 10.19%

Facebook Comments