Ininspeksyon ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang 45-bed units ng Temporary Emergency Quarantine facilities na itinayo ng Local Government ng Marikina upang umalalay sa kapasidad ng mga pasyenteng may taglay ng COVID-19 na dinadala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Ayon kay Mayor Teodoro malaking tulong ang itinatayong Temporary Emergency Quarantine Facilities dahil hindi kakailanganing pang ideretso ang mga pasyenteng hinihinalaang may taglay na COVID -19 sa Maang Rodriguez Memorial Medical Center.
Paliwanag ng alkalde wala ng pangamba ang ilang mga pasyente na dinadala sa naturang Hospital na sila ay mahahawa sa nakamamatay na virus dahil ang mga ordinaryong sakit ay matutukan n ang husto ng mga Doktors.
Giit ni Mayor Teodoro mas mainam na ihiwalay sa mga ordinaryong pagamutan ang mga pasyenteng hinihinalang may sintomas na COVID -19 para matutukan ng mga Doktors ang kanilang mga karamdaman.