Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nadismaya sa DOH sa pagtanggi na mabigyan ng Accreditation na mag-operate ang kanilang Laboratory Facility

63

Nagpahayag ng pagkadismaya si Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa  Department of Health (DOH) sa pagtanggi nito na pahintulutang makapag-operate ang kanilang Laboratory Facility upang matulungan ang kanilang mga kababayan na pinaghihinalaang may tglay na COVID-19.

Ayon kay Mayor Teodoro, hindi lamang ang kanyang mga nasasakupan ang makikinabang dito bagkus maging ang mga residente ng Rizal Province at mga karatig Lungsod ay mabebenipisyuhan mula sa Marikina Test Facility, pero ang DOH ay binalewala ang kanilang kahilingan.


Paliwanag ng alkalde, handa naman ang LGU ng Marikina na idonate ang naturang pasilidad sa ilalim ng DOH Management.

Giit ni Mayor Teodoro, maliit lamang na kadahilan kung bakit hindi inaprubahan ng DOH ang kanilang kahilingan na sa tingin ng alkalde ay maaari naman gawan ng paraan.

Facebook Comments