Lubos na ikinagalak ni Marikina City Labor Relation – PESO Manager Gil Munar ang ginawang pagdalaw ng Radyo Trabaho team matapos ang ilang beses na rin na pagkaantala dahil sa pandemya.
Pinangunahan ni DZXL Station Manager Buddy Oberas ang courtesy call sa PESO Marikina.
Naging makabuluhan ang talakayan kung saan iminungkahi ni Munar na dapat ang DepEd ay magtalaga ng career guidance sa mga mag-aaral sa swak ang kursong kanilang pipiliin sa pangangailangan ng industriya ng ating bansa.
Dapat din umanong ang CHED ay sumailalim sa DOLE upang ang mga kurso na iaalok ay naka-align sa pangangailangan ng industriya.
Paliwanag pa ni Munar na magkakaroon din sila ng mega job fair sa darating na Nobyembre ngayon taon.
Nagpapasalamat din si Munar sa DZXL Radyo Trabaho team sa buong suporta at sa tulong na inihahatid nito sa mga job seeker.