Japan, aalisin na ang COVID-19 restrictions sa mga turista sa Oktubre

49

Aalisin na ng Japan ang kanilang COVID-19 restrictions para sa mga turista simula sa susunod na buwan.

Sa talumpati ni Japanese Prime Minster Fumio Kishida sa United Nation General Assembly, kinumpirma nitong magsisimula ang pagluluwag ng Japan sa Oktubre 11.

Ayon kay PM Kishida, higit dalawang taon nang naantala ang galaw ng mga tao at produkto sa kanilang bansa.


Matatandaang, kasama ng Japan ang China na nagpatupad ng mahigpit na travel restrictions sa mga dayuhan upang hindi sila mapasok ng COVID-19.

Facebook Comments