Marikina City Veterinary Office, nakikipag-ugnayan na sa Rizal Provincial Agriculture Office para matukoy kung saan galing ang baboy na inanod  sa Marikina River

Makikipag-ugnayan ngayon ang pamunuan ng Marikina City Veterinary Office sa Rizal Provincial Agriculture Office upang malaman kung saan galing ang mga baboy na naaagnas at palutang-lutang at inanod sa Marikina River sa Barangay Calumpang, Marikina City.

Ayon kay Marikina City Veterinary Office Manuel Carlos, posibleng galing sa Rodriguez, Rizal ang mga naaagnas na mahigit 20 baboy na inanod sa Marikina River dahil matagal ng bawal sa kanilang lungsod na mag-alaga ng mga baboy.

Paliwanag ni Carlos mahalaga na malaman nila kung saan galing ang mga inanod na naaagnas na mga baboy kung galing ba ito sa Rodriguez, Rizal o San Mateo, Rizal upang magawan kaagad ng kaukulang aksyon ng Marikina City Government.


Giit ng opisyal agad nilang inilibing sa lupa ang mga baboy na palutang-lutang sa Marikina River upang hindi na makahawa pa ang mga ito.

Facebook Comments