Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, tiniyak ang pagsunod sa term-sharing kay Speaker Alan Peter Cayetano; kudeta sa Speaker, itinanggi

Tiniyak ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na patuloy niyang kinikilala ang kasunduan sa pagitan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay sa house leadership.

Ang reaksyon ay kaugnay umano sa pinaplanong kudeta kay Speaker Cayetano at paggamit sa ilang isyu tulad ng pambansang pondo at ABS-CBN franchise.

Giit ni Velasco, malayo sa katotohanan ang balitang ito dahil patuloy niyang iginagalang ang hatian sa termino ng pagka-Speaker sa kanilang dalawa ni Cayetano.


Bukod dito, wala rin umano siyang balak na sirain ang kasunduan dahil siya ay lalaking may isang salita.

Naniniwala si Velasco na pinapalutang lamang ito para lumikha ng dibisyon o mahati lalo ang mga kongresista.

Dagdag pa ni Velasco, tiyak na gawa ito ng isang taong may pansariling interes na layong buwagin ang samahan ng mga mambabatas, magambala at magulo ang mga kongresista sa pagtupad sa kanilang mandato at madiskaril ang isinusulong na legislative agenda ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments