Tapos na ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) sa imbestigasyon nito kaugnay sa pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino fishing boat lulan ang 22 Pilipino sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS) nitong June 9.
Isusumite na sa Department of Transportation (DOTr) ang pinagsamang report ng PCG at MARINA.
Si DOTr Secretary Arthur Tugade ang opisyal na mag-aanunsyo ng resulta ng imbestigasyon.
Ayon kay PCG spokesperson Captain Armand Balilo – pwedeng idulog sa International Maritime Organization ang kaso kung kakailanganin ng third party investigator.
Samantala, iminungkahi ng China na magkaroon ng joint investigation kasama ang Pilipinas sa nangyari.
Pinahahalagahan ng China ang pagkakaibigan nito sa Pilipinas.
Facebook Comments