Mga miyembro ng Kapa, nanawagan ng ‘due process’

237

Muling nanawagan ang mga miyembro ng Kapa-Ministry Community International Inc. kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipatigil ang kanilang operasyon.

Ito ay kasunod na rin ng pormal na pagsasampa ng reklamong kriminal ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga opisyal nito na sangkot sa investment scam.


Ayon sa SEC – ‘too good to be true’ ang pangako nitong buwanang kita na 30% sa anumang investment.

Pero itinanggi ng tagapagsalita ng Kapa na si Gregorio Olamit ang paratang ng SEC maging ni Pangulong Duterte.

Nanawagan sila ng due process.

Kahapon, muling nagsagawa ng martsa ang mga miyembro ng Kapa mula sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao.

Sa ngayon, hindi pa rin nagpapakita ang founder nito na pastor Joel Apolinario dahil sa mga banta sa kanyang buhay.

Facebook Comments

From Advertisers