Mas paiigtingin pa ng Armed Forces of the Philippines – Western Mindanao Command (AFP – WestMinCom) ang kanilang maritime operations para sa seguridad at proteksyon ng likas na yaman at mga mamamayan lalo na sa malalayong lugar.
Ito ang tiniyak ni AFP WestMinCom Commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr. sa kanyang pagbisita sa Tawi-Tawi.
Nagkaroon din ito ng courtesy call sa local chief executives ng munisipyo ng Mapun at Simunul.
Binisita rin ni Rosario ang 2nd Marine Brigade sa Bongao, 312th Marine Company sa Taganak, at Tactical Operations Group sa Mapun upang mapataas ang morale ng mga sundalo at alamin ang security situation sa kanilang nasasakupan.
Samantala, nakiisa rin ang heneral sa pagpapakawala ng daan-daang pagong sa Baguan Island at binisita ang Sheik Karimol Makhdum Mosque sa Simunul.