Maritime Self-Defense Force ship ng Japan, dumating sa bansa

Dumaong sa Subic Freeport Zone, Olongapo City, Zambales kahapon ang Maritime Self-Defense Force (JMSDF) ng Japan o ang JS Suzutsuki.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, nagsagawa lang ng port call ang barko ng Japan sa bansa.

Sila ay escorted ng BRP Jose Rizal ng Philippine Navy nang dumaong sa Subic, ang barkong ito ay una nang nagsagawa ng Passing Exercises (PASSEX).


Sa kanilang pagdaong sa Subic ay binigyan sila ng welcome ceremony ng Philippine Navy.

Sinabi pa ni Negranza, ang pagdating ng barko ng Japan ay para sa routine port replenishment at pagpapahinga ng mga crew nito na nagsasagawa ng Overseas Training Cruise.

Dagdag pa ng opisyal, ang pagdating sa bansa ng barko ng Japan ay pagpapakita ng mas magandang bilateral relations sa pagitan ng Philippines at Japan na may kapwa layunin na i-promote ang kapayapaan, stability, at maritime cooperation sa rehiyon.

Facebook Comments