₱6.33 milyong halaga ng marijuana plants, pinagsisira ng PNP at militar sa Cebu City

Pinagbubunot at sinunog ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at militar ang aabot sa 15,840 stalks ng marijuana plants na aabot sa halagang 6.33 milyong piso.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Bgen. Rhoderick Augustus Alba, isinagawa ang anti-illegal drug operation na ito sa Barangay Adlaon Cebu City.

Aniya, ilan sa mga binunot na marijuana plants ay dinala sa Regional Field Unit 7 para sa examination at ang iba ay sinunog.


Wala namang naarestong cultivator ang PNP at militar nang isagawa ang operasyon pero sa ngayon mahigpit na mino-monitor ng PNP ang mga nasa likod ng pagtatanim ng marijuana sa lugar.

Pinuri naman ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang kanyang mga tauhan na nagsagawa ng drug operation.

Facebook Comments