Maritime Training Activity Sama-Sama 2018 ng US at Philippine Navy, Kasalukuyang Isinasagawa sa La Union!

Cauayan City, Isabela – Kasalukuyan parin ang isinasagawang Maritime Training Activity Sama-Sama 2018 ng US at Philippine Navy sa pangunguna ng Northern Luzon Command o NOLCOM sa lalawigan ng La Union.

Ayon kay Lieutenant Colonel Isagani Nato, tagapagsalita ng Norther Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines na ang naturang pagsasanay ay nagsimula pa noong unang araw ng Hulyo at ito ay magtatapos sa darating na ika-labing anim ng buwang kasalukuyan.

Ang maritime training ay kinabibilangan ng US at Philippine Navy ngunit kasali rin umano ang Japanese Maritime Self Defence Forces bilang tagapagmasid.


Sinabi pa ni Colonel Nato na layunin umano nito na mapa-igting ang pagkakaroon ng mutual defence force security na ginagawa kada taon kung saan noong 2017 ay isinagawa ang kaparehong training sa bahagi ng Cebu.

Kaugnay nito ay magkakaroon umano ng symposium, medical, logistics, tactics and procedures, search and rescue training at iba pang pagsasanay sa karagatan.

Facebook Comments