Maritoni Fernandez, malaki ang pagpapasalamat sa Panginoon

68

Ipinagdiriwang ng aktres na si Maritoni Fernandez ang isa sa personal milestone ng kaniyang buhay.

Ito ay matapos na maabot ng aktres ang 20-years na pagiging breast cancer survivor na lubha niyang ipinagpapasalamat sa Panginoon.

Sa Instagram ng aktres, isang larawan ang ipinost nito kung saan makikita siya na sumasailalim sa medical test.

Nabatid na regular na ginagawa ni Maritoni ang mammogram, sonogram at tomography para matiyak na hindi na babalik ang kaniyang breast cancer.

Kasabay nito, pinasalamatan ng aktres ang kaniyang asawa, pamilya at mga doktor na patuloy na tumutulong sa kaniya at nagturo kung ano talaga ang halaga ng buhay.

Facebook Comments