Mariveles, Bataan, “very high risk” sa COVID-19 ayon sa OCTA

Nakitaan ng mabilis na pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Mariveles, Bataan at mga lungsog ng Laoag at Lapu-Lapu.

Sa monitoring report ng OCTA Research Group na may petsang July 18, mula 21 ay tumaas sa 66 ang COVID-19 cases sa Mariveles na may infection rate na 1.83 at 47.08 incidence rate.

Dahil dito, itinuturing na “very high risk” sa COVID-19 ang Mariveles.


Habang tumaas sa 46 mula sa 25 ang kaso ng nakahahawang sakit sa Laoag City, Ilocos Norte.

Mayroon itong infection rate na 2.07 at incidence rate na 40.03.

Ang Lapu-Lapu City naman, nakapagtala ng 50 kaso mula sa 31 at may infection rate na 1.63 at incidence rate na 11.16.

Bukod sa mga Lapu-Lapu at Laoag City, itinuturing ding high risk areas ng OCTA Research Team ang Davao City, Iloilo City, Bacolod, General Santos at Baguio.

Facebook Comments