Marjorie Barretto: Mali po talaga na I fell in love with a married man

7611
(LEFT) Screenshot captured from Karen Davila's interview at TV Patrol. (RIGHT) From Facebook/Recom Echiverri

Sa unang pagkakataon, diretsahang inamin ni Marjorie Barretto kung sino ang tatay ng kaniyang bunso.

Ayon kay Barretto, anak ni dating Caloocan Mayor at ngayo’y 1st District Representative Recom Echiverri ang pitong gulang na anak na si Erich.


“Recom Echiverri is the father of my youngest daughter. That’s all I have to say,” tugon ni Marjorie sa batikang mamamahayag na si Karen Davila.
Dagdag pa niya, sadyang marupok siya pagdating sa pag-ibig.

“Hindi ako perfect, Karen. I’m very strong in many ways pero sa pagibig talaga mahina ako,” pahayag ng nakatatandang Barretto.

Ani Marjorie, alam niyang pamilyadong tao ang pulitikong minahal dati kaya pinili niyang manahimik na lamang.

Ginawa niya rin ito para maproteksyonan ang bata at wala nang masaktan pang iba.

Matatandaang ibinunyag ni Gretchen sa social media ang relasyon ng nakababatang kapatid kay Echiverri.

“I wasn’t claiming to be perfect, pero ayoko nang makasakit ng ibang tao pa. Maraming masasaktan, e, kung magiging garapal ako. That’s the reason why I kept it.

“I’m sorry, I’m not perfect. Mali po talaga na I fell in love with a married man. Pero ito na po ‘yun, e”, saad pa ni Marjorie.

Lingid sa kaalaman ng publiko, ang supling ni Marjorie ay sina Dani, Julia, Claudia, at Leon.

Si Dani ay anak niya sa aktor na si Kier Legaspi habang sila Julia, Claudia, Leon naman ang bunga ng pagmamahalan nila noon ng komedyanteng si Dennis Padilla.

Facebook Comments

From Advertisers