Nadine Lustre, pumalag sa isyung nagsasama na sila ni James Reid

Showbiz – Nagsalita na ang aktres na si Nadine Lustre sa kumakalat na issue na naglilive-in na sila ng kanyang nobyo na si James Reid.
Ayon sa aktres, wala namang mali doon lalo na’t sila naman ay magkasintahan.
Igniit pa ng aktres na kung totoo man na nagsasama na sila ng kaniyang nobyo ay wala nang dapat maging problema doon.
Naungkat ang sabi-sabi na nagsasama na ang real-life couple matapos kumalat sa social media ang pahayag ng music producer ni James Reid na si Paolo Tiongso na magkatabing matulog ang dalawa sa kanilang out-of-town music video shoot ng ”cool down.”
Samantala, wala naman ibinigay na komento si James patungkol sa isyung kumakalat.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments