MARKET DIVISION AT CITY VETERINARY OFFICE, TINIYAK NA REGULAR ANG MONITORING AT INSPECTION SA MGA KARNENG BABOY NA PINAPASOK SA DAGUPAN

Nagbigay ng katiyakan ang Market Division at ng City Veterinary office ng Dagupan City na regular ang monitoring at kanilang impeksyon sa mga karneng baboy na pinapasok sa Dagupan City.
Tinitignan kung kumpleto ang mga dokumento ng mga nagaangkat nang sa gayon ay masigurong sumunod ang mga ito sa standard.
Bagamat natatalo sa ngayon ng imported frozen meat ang mga fresh meat dahil sa kakulangan ng supply nito dulot pa rin ng banta ng ASF ay tuloy pa rin sa pagbebenta ang mga tindera, kaso lamang, mas mataas ang presyo nito kumpara sa frozen meat.

Sa ngayon, mas mataas ang nararanasang demand ng imported frozen meat sa Dagupan City kung saan nasa 40 boxes ang ipinapasok sa pamilihan kumpara dati na nasa 25 to 30 boxes lamang.
Tumaas ng 25% ang demand nito.
Ayon naman sa mga nagtitinda ng karne, mas advisable pa rin na fresh meat ang tangkilikin ng mga mamimili dahil dumaan naman sa masusing inspeksyon ang mga ito. |ifmnews
Facebook Comments