Pamahalaan ng Taguig, nagpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda na apektado ng COVID-19

59

Inihayag ni Taguig Mayor Lino Cayetano na nagpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng food packs sa mga residente nito na apektado sa umiiral na Enhanced Community Quarantine dahil sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.

Ayon kay Mayor Cayetano, ngayong araw ay pinuntahan ng mga tauhan ng kanyang opisina ang Brgy. San Miguel upang ihatid ang relief goods sa mga pamilya na nakatira rito.


Laman ng nasabing food packs ay bigas, canned goods, noodles, kape, cereal drink at bottled water.

Pahayag niya na ang nasabing family food pack ay sapat para sa 3-4 na araw para sa pamilya na may 5 miyembro.

Kaya pakiusap naman niya sa mga residente nito na huwag muna lumabas ng bahay upang hindi na kumalat pa ang virus.

Ang Taguig City ay mayroon ng 42 kaso ng COVID-19, kung saan dalawa na ang namatay at dalawa naman ang nakarekober mula sa virus.

Facebook Comments